Palaro

160 1 3
                                    

Ngayon ang simula ng aming palaro---
Palaro ng mga luma at bagong manlalaro.
Ngayon palang ito gagawin sa 'ming opisina
Bilang paghahanda sa talagang laban ba.

Syempre kasali ako sa palarong 'to
Kahit may bahagi sa 'kin na umaayaw rito.
Wala naman din kasi akong magagawa
Kundi ang sumang-ayon at maglaro lang talaga.

Sa "table tennis" at "volleyball" ako kasali,
Mga larong hindi ko alam kung ako'y may sinabi.
Basta aaliwin ko na lang ang aking sarili
At susubukan kong maglaro ng mabuti.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon