Dahil sa Kanya

127 6 0
                                    

Unti-unti ka nang naglalaho,
Ang hitsura mo ay lumalabo.
Magandang simbolo ito---
Simbolo na may pagbabago.

Alam mo may nakilala ako,
Isang lalaking halos gaya mo.
Malapit yata talaga ako sa tipo nyo,
Mga lalaking pareho ng trabaho.

Sana sa 'kin ay masaya ka
Kasi makakalimutan na kita.
Ito naman ang gusto mo, di ba?
Kaya nga di ka na nagpakita pa.

Dahil sa kanya ay di kita naaalala,
Sya na ang sa isip ko'y nang-aabala.
Di ko pa nga lang sya lubusang kilala
Pero alam kong 'yon ay mangyayari na.

Siguro ako'y ipinagdarasal mo rin
Nang mawala sa 'yo ang aking pagtingin.
Salamat kung ganoon sa 'yong panalangin
Na sya ring araw-araw kong dalangin.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon