Pansin Kita

93 1 0
                                    

Lalaki sa kabilang mesa,
Alam mo napapansin kita.
Kanina ka pa tingin ng tingin
Sa akin na abala sa pagkain.

Naaawa ka ba na ako'y mag-isa
O nagpapapansin ka lang talaga?
Sige lang, tingnan mo pa ako
Hanggang ang puso ko'y sumuko sa 'yo.

Aaminin kong may dating ka
Sa akin na abala lang kanina pa.
Natutuwa akong nililingon mo ako
Kahit may kausap kang ibang tao.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon