Ang tagal ko nang di sumasakay ng "taxi"
Dahil ayaw ko nang mabiktima uli
Ng "driver" na may masamang plano
Sa pasahero nyang kung saan patungo.
Naranasan ko nang kabahan sa "taxi"
Ng ang "driver" nito'y di mapakali.
Panay lang ang tingin nya sa 'kin
At nagspray pa sya ng di ako nakatingin.
Dahil sa bagay na naamoy ko,
Bigla talaga akong nahilo.
Makakatulog na nga sana ako
Kung di nga lang sa mabuting bantay ko.
Nagbusinahan ang mga sasakyan
Na dahilan kung bakit ako natauhan.
Nakita kong nakatigil ang sinasakyan kong "taxi"
Sa gitna ng daan at hindi sa tabi.
Nakita kong ang "driver" ay hilo
Na talaga namang ikinagulat ko.
Kanina lang ay masigla pa sya
'Yon pala'y kinakarma na.
Sa halip na ako ang mawalan ng malay,
Ang "driver" ang parang walang buhay.
Sya ang nahilo sa kanyang inispray,
Himalang gawa ng aking bantay.
Dahil dito ay nakaligtas ako
Sa "modus sa taxi" na balitang uso.
Salamat talaga sa tagabantay ko,
Nananalig at saludo po talaga ako sa Inyo.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesia(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
