Buhok

202 3 0
                                        

Isa ka sa mga gusto kong bahagi ng katawan ko
Kaya naman maingat ako pagdating sa 'yo.
Ayaw kong hinahawakan ka ng iba
Kasi baka mabati ka pa nila.

Gusto kong itim at tuwid ka,
Sa totoo lang, ayaw na kitang baguhin pa.
Pansin nga ito ng mga barkada ko
Na wala ka kailanmang ipinagbago.

Dalawang klase ng "shampoo" ang ginagamit ko sa 'yo
Ang mga ito ang pinagpapalit-palit ko.
Ang "conditioner" ay bawal sa 'yo
Dahil ito'y nakakapagpalagkit ng todo.

Ayaw ko rin ng iniipitan ka lagi,
Baka masira ka lang katatali.
Mas gusto kong ika'y nakalugay
Maliban na lang kung ako'y nasa bahay.

Itinataas lang kita pag nasa bahay
Kasi kinakatamaran ko ang pagsusuklay.
Pero mukhang gusto mo naman 'yon
Kasi nakikisama ka sa 'kin maghapon.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon