Kulog

99 3 0
                                        

Galit ka ba ha, kulog?
Parang di ka lang magpapatulog?
Dumadagundong lang ang 'yong tunog
Na sa dibdib ko ay nagpapakabog.

Sa totoo lang ay takot ako sa 'yo,
Sa kidlat din naman ay takot ako.
Pero ayaw ko kasi ng ingay mo,
Hindi ako mapakali ng dahil sa 'yo.

Para kang babaeng nagngangalit
Dahil sa iba sya ay ipinagpalit.
'Yong tipong inilalabas mo ng sobra
Ang matinding galit na di mo maitago na.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon