Misteryoso, ang tawag ko sa 'yo.
Kasi mahirap mahulaan ang nasa isip mo.
Hindi ka rin madaling intindihin,
Di gaya ng ibang kulang sa pansin.Misteryoso, ikaw talaga 'yon.
Kahit dumaan pa ang mahabang panahon,
Wala kang ipinagbago simula noon
Kasi ang puso ko'y bihag mo pa rin hanggang ngayon.Malayo ka na pero ramdam ko pa
Ang pagiging misteryoso mo talaga.
Hanggang ngayon ako sa 'yo ay naiintriga
Sa pagkatao mo na tinalo ang sa artista.Misteryoso, turuan mo nga ako
Na maging magaling sa larangan mo.
Paano mo ba nagagawang magpanggap
Na ako ay hindi mo hinahanap?Misteryoso, minamahal din kita.
Pwede bang ako'y puntahan mo na?
Hinahanap mo ako, alam ko 'yon
Kaya halika na't ito na ang ating pagkakataon.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...