Pag-ibig, ikaw ba'y nasaan?
Ikaw ba ang pangarap ko kahit noon pa man?
Ikaw ba ang kasama ko ngayon?
O ika'y makikilala ko palang sa tamang panahon?Pag-ibig, ako ay namamanhid.
Sa mahabang panahon, ito'y aking batid.
Bahagi lang ba ito ng matagal na panaginip?
O ang puso ko ay talaga lang nainip?Pag-ibig, sabi ng iba abnormal na ako
Kasi raw bato na ang puso ko.
Sa isip ko naman nagkakamali sila
Dahil ang totoo, natutuwa lang itong mamahinga.Pag-ibig, kung talagang totoo ka,
Darating ang araw na mararamdaman din kita.
Kaya habang naghihintay, kumalma ka.
Malay mo bukas ay mapansin na kita.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Puisi(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...