Pangako maghihintay ako sa 'yo,
Hindi ko man alam kung hanggang kailan 'to.
Magiging tapat ako kahit tayo'y magkalayo
At hindi titingin sa iba kundi lamang sa 'yo.Pangako habambuhay kitang mamahalin,
Anuman ang mangyari ika'y aking iibigin.
Tatanggapin ko lahat-lahat sa 'yo,
Kasama na rin ang mga kahinaan mo.Pangako hindi kita kailanman iiwan
Kahit pa ako ay iyong ipagtabuyan.
Iintindihin kita sa lahat ng oras,
Asahan mong ang pagmamahal ko'y di magwawakas.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...