Kebabers

132 3 5
                                        

Wala na palang Kebabers sa SM-Manila,
Tagal ko na rin kasing hindi rito bumisita.
Nakakalungkot lang ang balitang nagsara na 'yon,
Iyon pa naman ang isa sa dinayo ko ngayon.

Ang kanilang "beef kebab" ay gusto kong matikman uli,
Ang pagkaing aking pinili
Kaysa sa ibang mayroon sila
Kasi para sa akin 'yon ang pinakamasarap talaga.

Ipinagmamalaki ko pa naman 'yon sa aking kaibigan
Na kasama kong manonood ng labanan---
Labanan ng mga manunulat na tunay
Ng Precious Hearts Romances na mahusay.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon