Harana, 'yan kaya ang gawin mo,
At baka sakaling lumambot ang puso ko.
Gusto ko kasi ng ako'y kinakantahan
At 'yong sinasadyang ako'y puntahan.Maganda ang boses mo, hindi ba?
Tapos marunong ka pang maggitara.
Tamang-tama 'yan para sa harana
Na gusto kong maranasan talaga.Sige na, simulan mo na ang harana
At nang kita'y mahusgahan na.
Malay mo sabayan ko ang 'yong pagkanta
At makalikha tayo ng magandang musika.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...