Kinakabahan ang puso ko,
Inaabala mo na naman ako.
Oo, ikaw na bago ko lang nakilala
Pero alam kong minahal ko na.
Para bang matagal na kitang kilala,
Iyon ang pakiramdam ko talaga.
Nagkita na ba tayo ha?
Wala kasi akong maalala talaga.
Hindi kaya nangyari 'yon
Noong una pang panahon.
Iba kasi ang pakiramdam ko sa 'yo,
Parang ikaw ang dating mundo ko.
Ikaw ang taong hindi kailangang magsalita.
Sa tingin at kilos mo palang ay naiintindihan kita.
Mga puso natin ang nag-uusap,
Mahika na sa bawat isa lang natin nahanap.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
