Napasimangot ka kasi nakita mo sya,
Ang lalaking may kasamang iba.
Hindi mo maintindihan kung bakit
Sa babaeng kasama nya ika'y nagalit.
Selos ang tawag dyan, kaibigan.
Kasi mahal mo sya noon pa man.
Hindi mo lang kasi matanggap
Na pakikipagkaibigan lang sa 'yo ang kanyang hanap.
Di mo sya matingnan sa kanyang mga mata
Noong ikaw ay kanyang ipinakilala
Sa babaeng hindi naman nalalayo sa 'yo
Pero syang nakakuha sa lalaking gusto mo.
Oo, selos ang nararamdaman mo,
Patunay na sya ay nasa 'yong puso.
Hindi mo naman kasi mararanasan 'yan
Kung sya sa 'yo ay isa lang ding kaibigan.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
