Taguan

92 2 4
                                    

Tara magtaguan ng "feelings" uli,
Lagot ka kapag ika'y aking nahuli.
Kaya galingan mo sa 'yong pagtatago
Nang di ko mapansin ang nagmamahal mong puso.

Nakakainis na nakakatuwa talaga
Ang taguan ng "feelings" nating dalawa.
Magkatabi na pero naghahanapan pa
At naghihintay na unang bumigay ang isa.

Sige lang, magtago ka na kung saan
Susubukan kong hanapin ka naman.
Alalahanin mong kakampi ko ang kapalaran
Kaya ang pagtatago mo'y malalantad din naman.

Kapalaran, makialam ka na nga
Sa taguan naming ginagawa.
'Wag mo nang patagalin pa ang larong 'to
Kasi sa totoo'y hirap na ang aming mga puso.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon