Salamin

861 24 3
                                    

Tahimik ka lang sa isang tabi
Umaga, tanghali, hapon, at gabi.
Naghihintay ka lang na tingnan ko,
Iyon lang ang kaligayahan mo.


Buti na lang at ganyan ka---
Ang kailangan ko pag mag-isa.
Humarap lang ako sa 'yo ay ayos na,
Parang may kasama na rin akong iba.


Pinapakita mo kung ano ako---
Masaya, galit, malungkot, o magulo.
Hindi mo ako hinuhusgahan,
Tanggap mo ang aking kahinaan.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon