Ang mga paa ay parang tayong dalawa,
Saanman magpunta ay laging magkasama.
Kahit na kaliwa ka at kanan ako,
Para sa lahat ay bagay tayo.Ngunit bakit ba kasi ganoon,
Madalas sa isa't isa'y hindi sang-ayon?
Naglakad nga pero nag-uunahan
At tila magkaiba tayo ng pupuntahan.Pero sabi mo nga'y mas ok na 'yon
Kaysa magkatabi lang tayo maghapon.
Pag ganoon kasi wala tayong patutunguhan
At ang "tayo" ay para nating hinuhusgahan.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...