Ano nga kayang pangalan mo?
Naiintriga talaga ako sa 'yo.
Madalas nga kitang nakikita
Pero hanggang ngayo'y di kita kilala.Wala akong alam tungkol sa 'yo
Kundi ang mukha mong gusto ko.
Kahit nga ngiti mo'y di ko tanda
Kasi minsan lang ito sa 'kin bumulaga.Nakita na naman kita kanina,
Pauwi ka na at nakatalikod pa.
Sana man lang ako'y iyong napansin,
Sa paglampas ko ika'y napatingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/81384774-288-k169084.jpg)
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...