Paraiso

373 12 6
                                    

Nasa paraiso lang pagkasama ka;
Tila lahat sa paligid ay napakasaya.
Kahit saan ako tumingin ay makulay
Kaya lalong gumagaan ang aking buhay.

Tara maghawak-kamay sa paraiso---
Ang lugar na para sa akin lang at sa 'yo.
Wala tayong magiging problema rito
Basta iisa ang tibok ng ating mga puso.

Kailangan lang na kasama kita
Para ang paraiso ay lagi kong nakikita.
Sumasang-ayon ka ba sa akin
Na pagpapala itong dapat nating yakapin?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon