May balitang si Angel Locsin pa rin ang gaganap na Darna.
Bakit sino pa nga bang dapat bukod sa kanya?
Sa totoo lang, hindi lang naman sya ang gusto kong artista,
Pero pagdating sa pelikulang Darna,
Sya lang ang sa tingin kong pwedeng maging bida.Nasa sa kanya na ang lahat sabi nga ni Daniel Padilla,
Matulungin sa kapwa, simple, mabait, at maganda pa.
Ang mga bata, binata, dalaga, at matanda ay iniidolo sya,
Isang magandang senyales na ang Darna ay papatok sa masa.Bukod sa magandang anyo at ugali nya,
Hindi maikakailang may pagkabarako sya.
Wala syang kaarte-arte at marunong umintindi,
Bilang babae, kaya nya ang maraming gawaing panlalaki.Ayos lang kung hindi kayo sumasang-ayon sa akin,
Tanggap ko naman na magkakaiba tayo ng pagtingin.
Ang ayos sa akin ay pwedeng hindi ayos sa inyo,
Anuman ang inyong opinyon ay sobra kong nirerespeto.Pero prangkahan talaga, sya ang nais kong humawak ng bato---
Bato ni Narda at hindi 'yong bato na kinaaadikan ng ibang tao.
Nasasabik akong marinig ang muling pagsigaw ng "Darna!"
Ni Angel Locsin na karapat-dapat na maging Narda.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesia(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...