Trapik

448 12 3
                                        

Araw-araw ang 'yong pag-eksena,
Sakto ang pag-arte mo pag uwian na.
Hindi ka ba napapagod ha?
O wala ka lang awa talaga?

Sa haba ng pilang nililikha mo
Tinalo mo pa ang hanay sa lotto.
Pwede bang kalimutan mo na
Ang lahat para lang makahinga ka?

Kahit minsan lang 'wag mong ipagsiksikan
Ang sarili mo sa hindi ka kailangan.
'Wag kang magparamdam minsan,
At ng ang inis ko ay mabawasan.

Subukan mo kayang magbakasyon
Ng kahit siguro isang taon.
Malay mo pag nagpakita kang muli
Matitiis na kita kahit sandali.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon