Ang taong tulad mo ay parang "Post-it"
Na kuntento nang sya'y nakadikit.
Ipapaalala mo ang bagay na mahalaga
Pero pagkatapos nito ay itatapon ka na.Samakatuwid ay pansamantala lang
Ang silbi mo sa isang nilalang.
Iba't iba at masisigla man ang kulay mo
Sandaling pagpansin lang ang ibibigay sa 'yo.Anumang halaga ng mensahe mo,
Hindi sapat 'yon para ika'y itago.
Bakit nga naman kasi kailangan pa 'yon
Kung mas madali naman ang ika'y itapon?

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Поэзия(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...