Lalaking nakadilaw, anong pangalan mo?
Hanga ako sa iyong paglalaro.
Hanga rin ako na bagay sa 'yo
Ang dilaw na damit na suot-suot mo.Dahil sa 'yo parang tinamad akong maglaro,
Gusto ko lang na ako'y nakaupo.
Nais ko lang kasing pagmasdan ka
Habang ang mga kasama ko ay abala.Sa totoo lang, ayaw ko pang matapos
Ang paglalaro namin na parang kapos.
Kahit saglit ako'y iyong pinangiti
Sa ngiti mong parang nakakakiliti.Makita kaya kitang muli?
Sana ang mukha mo ang sa 'kin ay bumati
Sa susunod kong punta dyan para maglaro
Sana talaga kasi hindi ako nagbibiro.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...