Tawag

215 8 9
                                        

"Miss kita" ang sinabi mo
Noong tinawagan mo ako.
Pero hindi ka naman nagpakilala
Kaya ako naman ay nagtaka.

Sino ka ba talaga
At bakit mo ako inabala?
May alam ka pa bang mga salita
Bukod sa binitawan mong "miss kita"?

Ano ba ako sa 'yo?
Iniisip ko tuloy kung nagkita na tayo.
Bakit hindi ka nagpakilala
At nang ikaw ay aking naalala?

Sana sa susunod na pagtawag mo,
Masabi mo na kung ano ako sa 'yo.
Sana sabihin mo rin ang pangalan mo
At kung paano mo nasabing miss mo ako.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon