Totoo ngang hindi mo mapipigil ang pagtibok ng puso
At hindi mo mapipili kung sinong tao ang mag-uudyok nito.
Pwede itong tumibok sa tamang tao
At pwede rin namang tumibok sa taong di dapat sa 'yo.Kanino man tumibok ang puso mo,
Malinaw na mahirap talagang pigilan ito.
Kaya sana naman layuan ako ng tukso
Kasi sa totoo lang ay baka bumigay ako.Naniniwala kasi akong tukso rin ang dahilan
Kung bakit tumitibok ang puso ng biglaan.
Paano nga ba ako lalayo sa tukso ha?
Kung ito ang syang lumalapit sa 'kin ng kusa.Nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko
Lalo na't ang lakas lang sobra ng tukso.
Pakiusap sana bukas ay hindi ko sya makita
Para ang isip at puso ko'y matahimik na.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...