Nakaraan

111 3 4
                                    

Naaalala mo pa ba ang ating nakaraan?
Kanina lang ay akin 'yong binalikan.
Nakakwentuhan ko kasi ang isang kaibigan
Na naging mausisa sa dati nating pag-iibigan.

Naikwento ko kung paano tayo nagkakilala,
Sabi ko na dati kitang kaopisina.
Tanda ko na ayaw ko pa noon sa 'yo
Kasi talagang hindi gaya mo ang tipo ko.

Pero ng dahil lang sa isang malakas na bagyo,
Biglang nagulo ang mundo't isip ko.
Tinakluban mo ako't hindi hinayaang maulanan
At sa isang iglap lang, ang pag-ayaw ko sa 'yo'y natabunan.

Lumiit ang ating mundo noong naging tayo,
Para kasi tayo noong hindi mapaglayo.
Sa loob at labas ng opisina ay laging magkasama
Kaya naman bawat galaw natin ay nakakaalarma.

Pero gaya ng ibang mga relasyon,
Ang sa 'tin ay mahigit lang isang taon.
Ayos na natapos ang panahong 'yon,
May kanya-kanya na tayong buhay ngayon.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon