"Forever"

296 8 2
                                        

Naniniwala ka ba sa "forever"?
Ano nga ba ang ibig sabihin nito aber?
Pero dahil "positive" akong tao,
Kahit hindi ito halata sa ibang mga tula ko,
Sobra akong naniniwala rito
Kasi alam kong nasa pakiramdam lang ng tao ito.

May mga taong ang "forever" ay ilang buwan lang,
May iba naman na taon ang binibilang.
Kaya ang tingin ko sa salitang 'yan
Ay hindi kailangang nangangahulugang pangmatagalan.

Para sa akin ang "forever" ay ang pakiramdam ng tao
Kapag nagmamahal sya ng totoo.
Para sa kanya "forever" na ang mga sandaling 'yon
Kahit hindi nya makasama ang mahal nya sa mahabang panahon.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon