Uwing Maaga Sana

191 3 4
                                    

Gusto ko sanang umuwi ng maaga
Kahit ngayon lang uli, pagbigyan na.
Pero dahil may trabaho pa,
Wala ring nagawa kundi nganga.

Ang pangarap na maagang pag-uwi ko
Ay nabalewala at nauwi rin sa pag-upo
Sa opisina na gusto ko ng iwan
Ngunit hindi naman ako pinagbigyan.

Halos tatlong linggo na,
Utang na loob tigilan muna
Ang abutin ng gabi sa opisina
Dahil ito'y talagang nakakaloka.

Wala na akong ibang magawa
Sa totoo lang ay hindi na nakakatuwa.
Hindi ba sapat ang pagpasok ng maaga?
Bakit kailangang ang uwi ko'y huli na?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon