Magandang Alaala

463 20 3
                                    

Tuwing iniisip kita,
Napapangiti ako talaga.
Isang kang magandang alaala
Na binabalik-balikan ko pa.

Nasaan ka na ba ngayon?
Bakit ako pa rin ay nilalamon
Ng ating magandang kahapon
Na matagal na nating itinapon?

Iniisip mo rin ba ako
Gaya ng madalas na ginagawa ko?
Sana naman ako sa 'yo ay mahalaga pa
At isa ring magandang alaala.

Alam kong magkikita tayong muli,
Hindi ako rito pwedeng magkamali.
Magandang alaala ka man ngayon,
Magkakaharap tayo pagdating ng panahon.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon