Patawad kung hindi kita pinapansin
Dahil 'yon sa tingin ko ang tama kong gawin.
Oo, talagang iniiwasan kita
Kasi hindi pa ako handang makaharap ka.Patawad kung lumayo ako,
Paraan ko 'yon ng pagpapalaya sa 'yo.
Inaamin kong minahal kita
Pero hindi ko nagawang ipaglaban ka.Patawad kasi natakot ako
Na hawakan ka rin gaya ng aking gusto.
Sana maintindihan mong hindi ko kaya
Na manira lang ng relasyon ng iba.Patawad kung naaabala kita,
Naiisip lang kita kapag ako'y mag-isa.
Masaya naman ako para sa 'yo
Kahit hindi mo alam ang tungkol dito.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Puisi(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...