Ginagamit kita kapag mainit
Para ang ulo ko ay hindi mag-init.
Ginagamit din kita kapag umuulan
Syempre para hindi ako mabasa ng ulan.Ngunit ayaw kong gamitin ka kapag may bagyo,
Kasi para akong madadala ng hangin ng dahil sa 'yo.
Bumabaligtad ka pa nga minsan
Na ayaw na ayaw kong nararanasan.Aliw akong gamitin ka kapag ako'y mag-isa
Kasi sa ulan ako'y hindi magigisa.
Pero iyong gamitin ka habang kasukob sya
Ay masayang sandali kahit pa bumabagyo na.Kaya naman lagi kitang dala,
Nagbabakasaling muli ko syang makita.
Sana sa araw na 'yon ay makisama ka
At nawa'y wala syang sariling payong na dala.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...