Pagbati

164 3 2
                                    

"Lalo kang gumaganda" ang iyong sinabi
At ako sa 'yo ay nakangiting bumati.
Tagal nating hindi nagkita
Pero nakakatuwang wala sa 'yong nag-iba.

Hindi ka pumayat o tumaba
Ngunit tingin ko'y namuti ka ng bahagya.
H'wag mo sanang isipin na insulto 'to
Kasi isa talaga itong papuri sa 'yo.

Salamat at mas pinaganda mo ang araw ko
Dahil sa magandang pagbati mo.
Naalala ko na binibiro ka nga pala sa akin noon,
Biruan na hindi na uso ngayon.

Naisip ko kung bakit nga ba hindi naging tayo?
Siguro kasi magkaiba tayo ng gusto.
Binata ka at dalaga pa rin ako,
Nakakatuwang pinagtagpo muli tayo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon