Pasko'y Malapit Na

135 0 0
                                    

Malapit na pala ang Pasko,
Dama ko na kahit bumabagyo.
Iniisip ko na ang mga regalo
Na pwede kong ibigay sa mga mahal ko.

Nariyan ang mga makukulay na ilaw
Na nagpapasaya sa gaya kong mababaw.
Nariyan din ang mga kantang pamasko
Na naririnig ko saanmang dako.

Ang simoy ng hangin ay simbolo rin
Na ang Pasko ay malapit nang dumating.
Damang-dama ko ang malamig na hangin
Na para bang yumayakap sa akin.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon