Ikaw ang una kong naiisip paggising sa umaga,
Ikaw na hindi ko alam kung nasaan na,
Ikaw na may malaking bahagi sa puso ko,
Ikaw na sana ngayon ay kasama ko.Ikaw ang matagal ko ng inspirasyon,
Ikaw na mahal ko hanggang ngayon,
Ikaw na nagparamdam sa akin ng pagmamahal,
Ikaw na patunay na ang pag-ibig ay tumatagal.Ikaw ang hinihintay kong magbalik,
Ikaw na sa ngayon ay nananahimik,
Ikaw na pinapangarap kong makita,
Ikaw na nagbibigay sa akin ng pag-asa.
Ikaw ang naiisip ko bago matulog,
Ikaw na sana'y katabi ko sa pagtulog,
Ikaw na sa aking panaginip ay naroon,
Ikaw na isang dahilan ko para bumangon.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poezja(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...