Kalahati ng papel na puso ang hawak-hawak ko,
Ang kalahati naman nito ay dala-dala mo.
Hanggang ngayon ay pareho tayong naguguluhan
Sa isa't isa na medyo hindi pa natin maintindihan.Sinubukan kong idikit ang kalahating puso ko
Sa iba na hindi naman akma rito.
Nagbakasakali ka ring magtagpuan sa iba
Ang kalahating puso na sa 'yo ay pwede na.Kailan kaya natin susubukang pagtabihin
Ang dalawang bahagi ng papel na hawak natin?
Batid naman natin na ang mga 'yon ay magkatugma
Pero may takot pa rin tayong baka sila'y hindi magtama.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
شِعر(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...