Tunay kang kaibigan kung lahat sa 'kin ay tanggap mo,
Kung tanggap mo ang kalakasan at kahinaan ko,
Andyan ka sa hirap at ginhawa,
At hindi nagbabago simula noong una tayong nagkakilala.
Tunay kang kaibigan kung ikaw ay matapat
At hindi takot magsabi sa 'kin ng tapat.
Sinusuportahan mo ako sa mga maganda kong gawa
At hindi hinahayaang ako ay mapasama.
Tunay kang kaibigan kung hangad mo ang aking kaligayahan
At hindi mo ako ipagpapalit sa isang kababawan.
Masaya ka sa bawat tagumpay ko
At nasasaktan ka naman sa aking bawat pagkabigo.
Tunay kang kaibigan kung hindi ka bulag sa bawat pagkakamali ko
Pero andyan ka pa rin para ipagtanggol ako.
Handa kang ipaalam sa 'kin kung ano ang tama at mali
At ang paniniwala mo sa 'kin ay di kailanman mababali.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...
