Gaya ng Dati

134 4 0
                                    

Hindi ako kailanman nagbago
Kung 'yan ang akala mo.
Siguro sa pananamit, oo,
Pero ito pa rin ang dating ako.

Ako pa rin ang babaeng 'yon
Na minahal mo ng mahabang panahon.
Wala pa rin akong pinagkaiba
Kahit ako'y subukan mo pa.

Alam ko ang tingin mong 'yan,
Hindi ko pa rin nakakalimutan.
Tingin 'yan ng isang nagmamahal---
Ikaw na naghintay sa 'kin ng matagal.

Mahal mo pa rin ako, di ba?
Pero parang ako'y di mo na kilala.
Sinisiguro ko sa 'yong walang nagbago
Sa dating ako na minahal mo.

Sige lang, pagmasdan mo ako
Hanggang sa 'yong mapagtanto
Na ako ay simple pa ring tao,
Ang taong dating pinangarap mo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon