Alam kong paparating ka na
Kaya naman ngayon palang ay gusto ko nang magsaya.
Ilang araw na lang at makikita na kita,
Ikaw na pangarap ko talaga.Ilang dipa na lang at maaabot na kita,
Bagay na ninais kong madama.
Parang ayaw kong kumurap kapag nangyari 'yon
At gusto ko lang yakapin ang bawat pagkakataon.Salamat kasi minahal mo ako
Sa mahabang panahon na tayo'y magkalayo.
Sinubukan man nating kalimutan ang isa't isa,
Mga puso natin ang nagsasabing nakatadhana tayong dalawa.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...