Nasasaktan ka na naman
Kasi hindi mo maintindihan
Kung bakit nagawa ka nyang iwan
Sa panahong sya'y iyong kailangan.Nagbabago ang ibang tao, kaibigan,
Di habang panahon sila'y nandyan.
Tanggapin mo na isa sya sa mga 'yon
Na piniling itapon ang inyong kahapon.Nagtataka ka kung paano nya nagawa
Na talikuran ka na lang nyang bigla.
Mahal na mahal ka nya ramdam mo
Pero hindi mo alam kung sya'y napaano.Nagawa ka nyang iwan,
'Yon lang 'yon, kaibigan.
Anumang pag-iisip ang gawin mo,
Hindi mo na 'yon mababago.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Поэзия(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...