Kanin

84 3 0
                                        

Kanin, mahalaga ka sa akin
Kahit pa saan ako abutin.
Hindi kumpleto ang araw ko
Kapag wala kahit isang tasa mo.

Kung titingnan naman kita
Hindi ka naman nakakagana
Pero bakit ba hinahanap kita
Sa araw-araw na lang talaga?

Walang dating sa 'kin ang basta ulam,
Kung wala ka, di 'yon katakam-takam.
Hindi rin kasi ako mahilig magpapak,
Kung ulam lang ay di 'yon tumpak.

Sa tingin ko, ikaw ang nagpapasarap
Ng bawat pagkain ko na nakalapag.
Para sa 'kin ay di ulam ang mahalaga
Kundi ikaw na nakabubusog talaga.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon