Raket

85 2 4
                                    

Ayaw ko ng nagtatrabaho
Lalo na kapag Linggo.
Nakalaan 'yon sa pamilya ko
Kaya ayaw kong gamitin sa 'yo.

Pero may pagkakataon talaga
Na wala akong magagawa
Kundi ang pagkaabalahan ka
Kahit bakasyon ko na sana.

Nakakainis kahit paano
Na ikaw ang inaatupag ko.
Pero ginusto ko naman 'to
Nang pinili kong 'wag tumanggi sa 'yo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon