Ang sarap isigaw ng pangalan mo,
Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo.
Pwede bang pigilan mo ako
Nang mahintay ko ang pagdating mo?Nais kong isigaw na mahal kita
Para malaman na ng iba
Na ikaw ang itinatangi kong tao---
Ang taong pinakahihintay ko.Pwede bang magmadali ka na?
Halika na at tayo'y magsama.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa
Na hindi mapasigaw sa sobrang kaba.Lalo akong kinakabahan habang papalapit na
Ang araw na ika'y aking makikita.
Kaya 'wag mo nang patagalin pa
Kasi ako'y naiinip na talaga.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...