Wika

204 6 1
                                        

Ikaw ay napakahalaga
Sa mga tao sa mundo talaga.
Kung wala ka ay walang buhay,
Ang mundo'y walang kulay.

Dahil sa 'yo ay nagkakaunawaan
Ang mga tao kahit nasaan pa man.
Nakakatagpo sila ng mga kaibigan
At kahit sino'y kaya nilang pakisamahan.

Marami man ang wika ng mga tao,
Bahagi ito ng kanilang pagpapakatotoo.
Kaya kahit anumang paraan ng pagsasabi sa 'yo
May dating ka sa kahit sinong tao.

Dahil sa 'yo ay madaling nakikilala
Ang tao at ang lugar na pinagmulan nya.
Kaya naman hindi ko na alam pa
Kung sa mundo ay mawawala ka.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon