"Mahal Kita"

320 12 4
                                        

"Mahal kita" ang mga salitang sinabi mo
Na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
'Yan ang mga salitang ang tagal kong hinintay
At pinangarap kong sa 'kin mo ialay.

"Mahal kita," oo 'yan ay sinabi mo na
At sa totoo ay dinig na dinig ko pa.
Pero bakit ganoon at ngayon lang
Kung kailan mayroon na sa 'king nag-aabang?                

"Mahal kita" ang hinihintay mong sagot
Mula sa akin na batid mong iyong abot.
Ngunit hindi ko kayang sabihin pasensya na
Sapagkat ako'y pag-aari na ng iba. 

Kung sana'y nasabi mo sa 'kin 'yan noon,
Sana'y ikaw ang kasama ko ngayon.
"Wrong timing" lang talaga tayo, ano?
Kung kailan di ako pwede, saka naman gusto mo.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon