Hoy, lalaki, huli ka na nya
Pero tumatanggi ka pa.
Akala mo ba sya'y tanga,
Ramdam na nya 'yan dati pa.Dati ay lagi kang nagmamadali
Kasi gusto mo nang makauwi.
Ang makita sya'y kaligayahan mo
Na naglaho na dahil 'yong ginusto.Lagi ka nang nagdadahilan
Na ika'y mayroon pang pupuntahan.
'Yon pala'y may iba kang kasama
Na inihahatid mo kapag uwian na.Hindi ka pa talaga nakuntento
Kasi harapan mo syang di nirespeto.
Nakita ka nya at ang babae mo
Ngunit sya pa ang nahiya sa inyo.Tapos ngayon ay hihingi ka ng "sorry"
At iiyak ka na parang walang nangyari.
Sinasabi mong hindi mo 'yon sinasadya
Kahit halata namang sinaktan mo syang kusa.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poesía(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...