Biyernes

415 11 6
                                    

Maligayang bati sa 'yo, Biyernes---
Ang araw na mas gusto ko kaysa Lunes.
Lahat ng hirap ko ay nabubura
Kapag ikaw ay dumating na.

Marami akong kinasasabikan,
Ang pamilya ko at mga kaibigan.
Isama mo pa ang mga bagay na aking gusto---
Mga bagay na para lang sa sarili ko.

Ang gaan lang magtrabaho sa araw na 'to,
'Yon ay kung trabaho nga ba ang inaatupag ko.
Madalas kasi ay naghihintay lang ako
Na ang gawain ay kusang maglaho sa harap ko.

Bakit nga ba ganyan ang epekto mo
Sa akin man o sa ibang tao?
Sana lagi na lang Biyernes ang pakiramdam ko
Para sa buong araw ay nakangiti lang ako.  

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon