Sa unang beses kitang nakita, ako'y naakit mo na.
Hindi ko matukoy noon kung ano bang mayroon ka,
Basta biglang lumundag ang aking puso
At hindi na agad ako mapalagay sa 'king pagkakaupo.
Pangarap at panalangin ko na mapansin mo,
Kahit 'yon lang ay masaya na ako.
Ngunit higit pa roon ang ginawa mo,
Sinuyo mo ako at tinanggap mo ng buong-buo.
Ang saya-saya na ako'y mahal mo rin,
Isang magandang sagot sa aking panalangin.
Nawa'y magtagal ang ating pagmamahalan
At ito ay humantong sa pangmatagalan.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...