Ate, nakikita mo ba ang hitsura mo?
Bigyan kita ng salamin, baka 'yong gusto?
Maganda kang babae, sinasabi ko sa 'yo
Kaya tigilan mo ang paghahabol sa lalaking gusto mo.Ang gaya mo'y hindi dapat kumikilos ng ganyan
Kasi sa totoo lang 'yang gandang 'yan ang pinipilahan.
Ayos lang kung hindi ka nila napapansin
Kawalan nila 'yon kasi malabo ang kanilang paningin.Sigurado akong sa ganda mong 'yan,
Maraming iba dyan na gusto kang titigan.
Malay mo pa nga sila'y nagpapanggap lang,
Mga nagkukunwaring sa 'yo ay di nakaabang.Kaya 'yang lalaking gustong-gusto mo,
Hayaan mo lang na sya ay lumayo.
Babalik din 'yan kung talagang para sa 'yo
At di mo kailangang ipagsiksikan ang ganda mo.

BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Поэзия(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...