Karamihan sa babae ay gusto ka,
Iyon ay dahil sa angkin mong ganda.
Maliit o malaki ka man ay ayos lang,
Hindi mahalaga kung anong iyong bilang.
Ang matanggap ka ay nakakaganda,
Lalo na kung ikaw ay galing sa mahal nila.
Nakakataba ng puso na ika'y makita
At nakakahaba pa ng buhok nila.
Ang rosas ang kilalang uri mo
Na kadalasang hanap ng mga binatilyo.
Hanap din ang rosas ng iba pang tao
Dahil ito ang karaniwan nilang panregalo.
Bulaklak, saan ka man tumubo,
Nakakadagdag ka sa ganda ng mundo.
Simbolo ka ng pag-ibig saanman makarating,
Pag-ibig na sana sa lahat ay iparating.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...