Paalam

354 9 2
                                    

"Paalam" ang salitang ayaw kong marinig
Sa kapamilya man o sa 'yo aking iniibig.
Ang salitang ito ay may kalakip na sakit
Na ayaw kong maramdaman kahit na isang saglit.



Paalam, bakit ba ikaw ay naimbento?
Ang nakaisip sa 'yo ay hindi ba nakuntento?
Pwede naman kasing wala ka sa mundo
At hindi na kailangan pang makita sa diksyonaryo.



Ang gamitin ka ay hindi ko gustong gawin
Gaya nang pag-ayaw ko na ikaw sa aki'y banggitin.
Ang paglayo naman ay pwede nang hindi ipaalam
Nang wala nang palitan pa ng salitang "paalam."

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon