Mr. Seryoso

142 3 4
                                    

Nakatingin ka ba sa akin
O lampas ang 'yong tingin?
Akala ko di kita makikita
Pero ako'y iyong pinasaya.

Tatak mo talaga ang pagiging seryoso
Kaya naman mukha kang suplado
Pero gustong-gusto ko 'yan,
Bagay na aking kinaaaliwan.

Natuwa akong hinanap mo ako
Sa grupong nanonood sa laro nyo.
Hindi mo man ako nginitian
Sapat na sa 'kin na ako'y 'yong sinulyapan.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon